Skip to Contents


Home > Ang mga serbisyong teknikal ay nakapaloob sa site ng Teknikal na Suporta para sa mga bagong Uri ng Miyembro para sa online na se

Ang mga serbisyong teknikal ay nakapaloob sa site ng Teknikal na Suporta para sa mga bagong Uri ng Miyembro para sa online na serbisyo ng THK

Salamat sa paggamit ng Site ng Teknikal na Suporta.

 

Inilunsad ng THK ang mga online na serbisyo gaya ng site ng Teknikal na Suporta para sa tulong na plataporma ng komunikasyon para sa amin mga kustomer.

 

Simula Setyembre 2, 2024, ang mga function ng Technical Support Site ay isinama na sa bagong website upang buuin ang mga Online na Serbisyo ng THK.

Online na Serbisyo ng THK

Ikinokonsidera namin ang member ID bilang isang mahalagang dahilan sa pagpapalalim pankomunikasyon sa aming mga customer, at maipaalam namin ang mga kailangan requirement sa pagiging myembro at gagawa kami ng iba’t ibang uri ng mga kasapian.

 

Patuloy na papagandahin ng THK ang platform na ito bilang pundasyon sa paghahatid ng mga convenient na online na serbisyo sa aming mga customer.

Ipinapaliwanag sa mga sumusunod ang mga detalye ng mga bagong uri ng membership sa integration na ito.

 

Mga Bagong Uri ng Membership

Noong nakaraang taon, ini-launch ang bagong member ID system para mahikayat ang paggamit ng iba't ibang industriya at mapataas ang seguridad.

Ngayon, para mas mapahusay pa ang mga serbisyong ito sa hinaharap, hahatiin sa dalawang uri ang mga membership simula sa unang bahagi ng Setyembre 2024, kung kailan ii-integrate ang kasalukuyang serbisyo.

 

◆Guest Member ng Mga Online na Serbisyo ng THK (Naka-schedule na mag-umpisa at magsimula ng pagpaparehistro sa unang bahagi ng Setyembre 2024)

Magagawa ng mga guest member na tumingin at mag-download ng mga THK catalog, gamitin ang online comparison function, tumingin ng mga basic na teknikal na impormasyon, at gamitin ang function na Mga Paborito.

 

【Mga requirement para sa pagpaparehistro bilang guest member】

E-mail address, Pangalan ng organisasyon o asosasyon, Buong pangalan

✻Ang iba pang usaping nauugnay sa paggamit sa serbisyo, kabilang ang pagpaparehistro ng miyembro, ay nakabatay sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng THK.

 

◆Miyembro ng Mga Online na Serbisyo ng THK (Ganap na Member)

Magagamit ng mga ganap na miyembro ang lahat ng function na available sa mga miyembrong nakarehistro sa kasalukuyang Site ng Teknikal na Suporta, kabilang ang lahat ng convenient na tool, CAD data, detalyadong teknikal na impormasyon, at FAQ bukod pa sa mga content na nabanggit sa itaas para sa mga guest member. Magiging available din ang lahat ng pinakabagong impormasyon sa sandaling mailabas ang mga ito.

【Mga requirement para sa pagpaparehistro bilang ganap na member】

E-mail address na may domain address ng organisasyon mo (kumpanya, asosasyon, atbp.), Pangalan ng organisasyon, Buong pangalan, Impormasyon sa pakikipag-ugnayan (Mailing address, Numero ng telepono, atbp.), at lahat ng iba pang impormasyon sa pagpaparehistro ng member

✻Bilang pangkalahatang panuntunan, hindi magagamit ang mga e-mail address na inisyu ng mga internet service provider. (Mga halimbawa: gmail.com, yahoo.co.jp, nifty.com, biglobe.ne.jp)

✻Pero kung hindi ito maiiwasan dahil walang e-mail address na may domain ng organisasyon ang kumpanya o asosasyon ng nagpapa-register, o para sa anumang dahilan, puwede ka pa ring mag-apply para gamitin ang mga serbisyo pagkatapos linawin ang mga sitwasyong ito.

✻Puwedeng tanggihan ang isang aplikasyon dahil sa mga kakulangan sa impormasyon ng customer, para sa mga kumpanyang napag-alamang nagsasagawa ng kapareho o nauugnay na negosyo, o bilang resulta ng dating pag-delete sa account, alinsunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo.

✻Ang iba pang usaping nauugnay sa paggamit sa serbisyo, kabilang ang pagpaparehistro ng miyembro, ay nakabatay sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng THK.

 

【Chart ng paghahambing ng mga available na serbisyo at feature】

Pangalan ng feature o serbisyo Uri ng membership
Ganap na member Guest member
Page ko (mga paborito)
Designer (kasalukuyang Optimal Product Selection Tool) -
Mga CAD download (2D at 3D) -
Service life calculator -
Mga catalog ng produkto
Mga instruction manual
FAQ at mga teknikal na material -
Mga non-applicability certificate (request) -
Mga SDS (MSDS) Safety Data Sheet -

✻Simula sa unang bahagi ng Setyembre 2024 (naka-iskedyul)

✻ Puwedeng mag-iba-iba ang availability ng mga partikular na content sa iisang item.

 

【Mahalaga】Serbisyo sa Bagong Miyembro para sa Mga Kasalukuyang User ng Site ng Teknikal na Suporta

Kung matutugunan ang mga requirement sa pagpaparehistro sa itaas para sa Membership ng Mga Online na Serbisyo ng THK (Ganap na Member), patuloy mong magagamit ang parehong mga serbisyo para sa miyembro sa pamamagitan lang ng pag-reset sa password mo.

Bilang karagdagan, puwedeng i-reset ang mga password hanggang Pebrero 1, 2025. Pagkalampas ng petsang iyon, magrehistro bilang isang bagong miyembro para magamit ang Mga Online na Serbisyo ng THK.

 

【Babala】Hindi mo na magagamit ang Mga Online na Serbisyo ng THK pagkalampas ng unang bahagi ng Setyembre 2024, kung hindi mo matutugunan ang mga requirement na ito sa pagpaparehistro, kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo nang walang domain ng organisasyon, o kung kulang ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro.

Sa mga ganitong pagkakataon, mag-submit ng hindi standard na aplikasyon ng user. (Basahin ang “Application System para sa Hindi Standard na User”.)

 

【Application System para sa Hindi Standard na User】Kung walang e-mail address na may domain ng organisasyon ang kumpanya o asosasyon ng nagpapa-register, o may iba pang hindi maiiwasang sitwasyon, puwede ka pa ring mag-apply para gamitin ang mga serbisyo pagkatapos linawin ang mga sitwasyong ito.

Kung gusto mong patuloy na magamit ang kasalukuyan mong account, pakisagutan ang mga kinakailangang impormasyon sa application form ng user.

 

Patuloy kaming magsisikap para sa isang ligtas na site environment, pagpapalawak sa mga madaling gamiting content, at pamamahagi ng kapaki-pakinabang na impormasyon.

Sana ay masiyahan ka sa Mga Online na Serbisyo ng THK.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan

  THK LM SYSTEM Pte. Ltd. 
38 Kaki Bukit Place LM Techno Building Singapore 416216
TEL:+65-6884-5500 / Fax:+65-6884-5550
e-Mail : sales@thksg.com

whatsapp       Facebook