Green Procurement
Hindi nakakapagtakang isipin na upang patuloy na mamuhay ang mga tao sa mundong ito, mahalaga ang magandang ugnayan sa kapaligiran. Isa itong bagay na dapat kilalanin hindi lang ng industriya ng pagmamanupaktura, kundi pati na rin ng lahat ng taong nakatira sa mundo.
Mula sa pagpapalawak ng aming mga operasyong pangnegosyo sa kabuuan, hanggang sa bawat indibidwal na empleyado, talagang maingat ang THK Group sa ugnayan namin sa kapaligiran, at determinado kaming mabawasan ang epekto namin sa kapaligiran sa isang epektibong paraan.
Dahil dito, nararamdaman namin sa THK Group na mahalagang isaalang-alang ang epekto namin sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga materyales at component na ginagamit namin mismo sa paggawa ng aming mga produkto, pati na rin ng pagkuha namin ng iba pang materyales, tool, at higit pa sa loob ng industriya ng pagmamanupaktura.
Tinatawag itong Green Procurement, at binubuo ito ng hindi namin paggamit ng mga nakasasamang kemikal, pagsasaalang-alang sa epekto namin sa kapaligiran, at aktibong pakikipagtulungan sa mga kasosyo sa kalakalan sa mga gawaing nauugnay sa pagprotekta sa kapaligiran.
Kasunod ng pagpapatupad sa RoHS directive ng EU noong Hulyo 2006, mas napatibay ang mga regulasyong pangkapaligiran sa industriya ng pagmamanupaktura sa buong mundo, at mas natutukan ang mga panlipunang obligasyon ng mga nagmamanupaktura. Upang makasabay sa mga aktibidad namin para sa kapaligiran, itinatag ng THK Group ang "Patakaran ng THK sa Green Procurement," na sana ay sundin ng lahat ng aming kasosyo sa kalakalan.
Palagi naming pinapahalagahan ang QCD (Quality, Cost, at Delivery) ng aming mga kasosyo sa kalakalan. Ngayon, gusto naming idagdag ang E (Environment) sa acronym na iyon. Upang mapalakas ang mga kasalukuyan nating ugnayan, ikalulugod namin ang ganap ninyong pakikiisa sa anumang kolaborasyon sa hinaharap.